Ang puso'y pumipintig
At kinakabog ang dibdib,
Niyayanig
Ang buto at balat,
Sa buong katawan kumakalat.
Mabilis sa karaniwan,
Hindi maintindihan.
Noo ay kunot,
Labi ay baluktot,
Mata'y naniningkit,
Kilay ay nagdirikit;
Ang nararamdaman:
Parang may kulang.
Nag-aalala,
Walang inaalala
Nababahala
Walang kinababahala
Naguguluhan
Wala namang dahilan.
No comments:
Post a Comment