Friday, October 4, 2013

"Hi"

Hi mo pa lang, high na ako
Wala nang nagawa kundi yumuko
At ngumiti sa tuwa at lukso ng puso
Mahumaling ng lubos sa ganda mo

Hanggang ngayon hindi ko maisip
Kung ba't "Hello!" lamang ang aking nasambit
Pasensya na kung torpe ang iyong naakit
Pangako hindi na muling mauulit

Dal'wang taon nang ika'y mahalin
Di nagbago ang aking pagtingin
Tibok ng puso'y ikaw pa rin
Sana ika'y aking makapiling

No comments:

Post a Comment