This was originally posted in Facebook notes, viewable only to her.
-----------------------------------------------------------
Naalala mo pa ba?
Ang mga katangahan ko?
Ang mga masasayang panahon,
Na magkasama tayo?
Pero itinanggi kita sa harap nila.
At itinanggi ko rin sa sarili ko.
Ngayon, wala na.
Lipas na ang pag-ibig mo
Kung nagkaron man.
Hanggang ngayon hindi ko alam,
At baka hindi na kailanman.
Pero wala naman akong paki
Kung minahal mo nga ako o hindi
Dahil sa tanga kong ito,
At sa bagal ng puso ko,
Baliw pa rin ako sa'yo.
Bukas, sana
Wag mo akong kalimutan.
Kahit isang dagli lang
Sa bawat taon
Sana maalala mo
Na minsan sa buhay mo
May nagmahal sa'yong isang tanga.
Dahil hinding-hindi ko malilimutan
Na minsan sa buhay ko
Minahal kita.
Kung sa hinaharap
Pwede na maging tayo
At pwede pa maging tayo
At hindi na ako tanga
Baka pwede ring
Magsimula ng panibago.
Pangako
Hinding-hindi na kita itatanggi,
At hinding-hindi na'ko mag-aalangan
Sabihin sa kanila
At sabihin sa iyo
At sabihin sa sarili ko
Mahal kita.
Showing posts with label Tula. Show all posts
Showing posts with label Tula. Show all posts
Tuesday, October 21, 2014
Sunday, November 3, 2013
Biti-
Coke na walang
Bula. Ligong walang
Sabon. Tanghaliang
Walang kanin. Apoy
Na malamig. Kotseng
Walang gas. Joke
Na walang banat.
Bagoong na
walang alat.
Biti-
Bula. Ligong walang
Sabon. Tanghaliang
Walang kanin. Apoy
Na malamig. Kotseng
Walang gas. Joke
Na walang banat.
Bagoong na
walang alat.
Biti-
Tuesday, July 30, 2013
Himbing
Ipikit na lamang ang lumbay sa dilim
Baka sakaling matupad mga hiling
Umasang wala na sa aking paggising
Bumabalot sa langit, ulap na itim
Sana nama'y kapag ang mata'y dumilat
Ang aking diwa'y sa panaginip mamulat
Tumungtong ang paa sa lupang pangarap
At sa'king paghinga'y ligaya'y malanghap
Hindi man paraiso, hindi man langit
Hindi man tunay, kahit nasa isip
Ang lahat ng ito'y aking panaginip
Na sa'king hikahos laging nakapiit
Kahit dito lamang sa sariling paraiso
Hayaan naman sanang lumaya ako
Makawala mula sa gapos ng mundo
Makatakas mula sa dakma ng tao
Hayaang mahimbing sa lalim ng paghinga
'Wag buksan mga nakapinid na mata
Kung 'di na magising, hindi mahalaga
Pagka't dito lang kita ang aking pag-asa
Baka sakaling matupad mga hiling
Umasang wala na sa aking paggising
Bumabalot sa langit, ulap na itim
Sana nama'y kapag ang mata'y dumilat
Ang aking diwa'y sa panaginip mamulat
Tumungtong ang paa sa lupang pangarap
At sa'king paghinga'y ligaya'y malanghap
Hindi man paraiso, hindi man langit
Hindi man tunay, kahit nasa isip
Ang lahat ng ito'y aking panaginip
Na sa'king hikahos laging nakapiit
Kahit dito lamang sa sariling paraiso
Hayaan naman sanang lumaya ako
Makawala mula sa gapos ng mundo
Makatakas mula sa dakma ng tao
Hayaang mahimbing sa lalim ng paghinga
'Wag buksan mga nakapinid na mata
Kung 'di na magising, hindi mahalaga
Pagka't dito lang kita ang aking pag-asa
Subscribe to:
Posts (Atom)