Isa na namang makulimlim na hapon ng pagtitinda ng sampaguita ang sumalubong kay Bo. Pero sa totoo lang, hindi naman iyon ganun ka importante dahil umaraw man o umulan, kuripot pa rin ang mga pasahero sa SM Fairview. Ang pinagkaiba lang ay kung maliligo ba siya sa nagbabadyang ulan o sa pawis niya habang makailang ulit na iniilingan nang hindi man lang sinusulyapan.
Pagkakita pa lamang sa papalapit na yagit niyang suot at sa mga tali ng puting halimuyak sa kanan niyang kamay ay lumalayo na ng tingin ang iba. Ang pag-iwas tingin na ito ay sinasamantala ng iba niyang kakilala para buksan ang zipper ng bag at makanakaw ng gamit, o di naman kaya’y makanakaw tingin man lang lalo na kung babaeng maganda.
Kaya gayon na lamang ang pagkamuhi ni Bo sa mga kapwa niya sampaguita boys na nakadudungis ng kanilang karangalan – o atlis, ng kanyang karalangan, dahil malinaw na hindi lahat ay kagaya niyang mayroon pang dangal. Sa buhay kalsada kabobohang turing ang karangalan, dahil dito, hari ang diskarte at reyna ang para-paraan.
Pero hindi na iniinda ni Bo ang pagtawag sa kanya ng bobo ng kaniyang mga kaibigan, dahil hindi lang ang kanyang mga kaklase ang gumagawa nito, ni ang nanay ng kanilang kapitbahay, kundi mismong nanay na niya ang nagsasabi sa kanya na siya ay isang ‘bobo.’ At hindi lang bobo, kundi ‘bobo talaga.’
Ngunit si Bo ay hindi lubos na naniniwala rito, dahil may dalawang taon na rin ang nakalipas nang may nagsabi sa kaniya na siya raw ay ‘matalino.’ Nasagot niya kasi nang tanungin siya ng isang balyenang kanyang binebentahan, “anong scientific name niyan?” Ang balyenang ito ay yung tipo ng babae na tagilid pa kung umupo sa jeep na wari’y lata na ng sardinas, hindi nag-aabot ng bayad, at maraming komento at sermon sa lahat ng nagaganap sa kalsada. Dapat raw kasi ang mga bata raw ay nasa eskwelahan at nag-aaral, at hindi nanlilimos at pinababayaan ng magulang, at kung ano-ano pang masakit sa loob ang sinabi ng matandang matabang balyenang iyon.
“Jasminum sambac po,” ang sagot ni Bo sa napahiyang balyena, sabay pahabol pa ng “Dalawahin niyo na po.” At nasabihan nga siya ng “Ang talino nito ah,” ng magandang dalagang nursing student na kasunod sa pila ng balyenang namumula na sa hiya. At mula noon ay hindi na naniwala si Bo na siya ay isang ganap na bobo, kundi kalahating bobo lamang.
Nasaktan ng husto si Bo sa sinabi ng balyena, dahil nagtitinda nga siya ng sampaguita imbis na nanlilimos, at pinapakain naman siya ng kanyang nanay araw-araw. At lalo naman na araw-araw siyang pumapasok sa eskwela tuwing a las sais ng umaga para makita ang crush niyang si Kathryn Mendoza. Yun nga lang, section 1 kasi itong si Kathryn at siya naman ay section 2. Kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap ni Bo, hindi lang sa pagtitinda ng sampaguita upang mabuhay, kundi pati na rin sa pag-aaral upang mabuhay ng masaya. Ano nga ba naman ang malay niya kung ang buhay pala niya ay pang kalyeserye o telenovela?
Kaya ganoon na lamang din ang hiya niya sa sarili nang naturang hapong iyon.
Walang malay niyang itinuloy ang kanyang pang-araw-araw na diskarte: suot ang kanyang kaawa-awang yagit na damit, dahan-dahan siyang nakayapak na lalapit at titig sa mata ng mga mukhang maawain, na kalimitan nga’y mga babae. Makatapos tumanggap ng siyamnapu’t siyam na iling bago makapagtinda ng isang tali ay nalapitan niya ang balyenang ito.
Hindi niya alam; paano nga ba niya malalaman? Hindi nga ata talaga maiiwasan; mangyayari’t mangyayari din. Marahil mas nakakagulat na makalipas ang ilang taon ay noong hapon lang na iyon nangyari ang kanilang pagtatagpo.
Hinding-hindi niya malilimutan ang mukhang iyon, ang mukhang minsa’y nagpakulo sa marangal niyang dugo. Hindi niya malilimutan ang tangos ng ilong at tabas ng labi ng balyenang ito, na minsa’y nang-insulto sa puso niyang may nais pang patunayan sa sarili, kahit na noon ay unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa sa bawat-araw ng pagtitinda na hindi naman lumalaki ang kita.
Nang makita niya ang balyenang iyon ay agad niyang nilapitan para bentahan at, aba! Inulit pa niya.
“Bili na po kayo, Jasmin sambac po. Dalawahin niyo na po.”
Binanggit ni Bo ang huling pangungusap ng dahan-dahan. At bumakas nga sa mukha ng balyenang ito, sa kanyang mapungay na kilay, mga matang nanlalaki, at sa pamumula ng likod ng kaniyang tenga, na bumabalik sa kanya ang alaala ng kahihiyan ng dalawang taong nakalilpas.
Ngunit bago pa man nakapagsalita ang balyena ay nalingat ni Bo ang batang babaeng kasama nito, na walang iba kundi ang pambansang crush ng bayan ng kanilang eskwelahan na si Kathryn Mendoza.
At nagtagpo ang kanilang mata.
Sa lahat ng panaginip ni Bo sa gabi at pangarap sa umaga ay ni minsan hindi niya hiniling na ganito ang kanilang unang pagkikita: na nagtitinda siya ng sampaguita sa yagit niya at kaawa-awang damit, habang pinapahiya niya ang nanay ng babaeng kanyang nagugustuhan.
Tumigil ang mundo ng dalawa’t kalahating segundo, habang nagkatitigan ang tatlo. Ang balyena kay Bo, sa naungkat na kahihiyan; si Bo kay Kathryn, sa mga nasirang pangarap; at si Kathryn kay Bo, sa kawalang malay at kawalang-paki. Umasa si Bo na sana’y naroon din sa likod ang mabait na nursing student noon, ngunit walang sumabat sa tahimik na pag-uusap ng tatlong pares ng mga mata.
Umihip ang malamig na hangin dala ang simoy ng nagbabadyang ulan at hinudyat ang muling pagtakbo ng oras.
Si Bo na kalahating bobo ang unang kumilos: yumuko, lumapit, at binigyan niya ng isang tali ng sampaguita itong si Kathryn sabay takbo palayo, habang nagbaka-sakaling hindi siya makilala at hindi maalala nito ang ilang segundo ng kanilang kahiya-hiyang pagtatagpo.
Sa bawat padyak ng kanyang mga paa, dahan-dahang lumalakas at lumalaki ang patak ng ulan. Hinayaan ni Bo na tumilamsik sa kanyang paa at bumuhos sa kanyang katawan ang naiipong iyak ng langit sa lupa, sa baka-sakaling mahugasan ang kanyang yagit na damit mula sa halimuyak ng kanyang dala-dalang mga sampaguita.
Showing posts with label kahirapan. Show all posts
Showing posts with label kahirapan. Show all posts
Friday, October 16, 2015
Wednesday, October 16, 2013
Pangarap sa Dilim
Isang malamig na gabi habang naglalakad pauwi sa aming lugar nang masilayan ko ang magnanay: isang batang mapayat na mga apat o limang taong gulang at isang nanay din na kung titingnan ay kasinpayat lamang din ng kaniyang anak. Nahiya na akong pagmasdan pa sila sa ilalim ng dilaw na ilaw ng poste ng kanilang katapat na kapitbahay.
Wala silang ilaw. Hindi ko ito agad napansin ni napag-isipan lamang; nalaman ko lang ito nang sabihin sa akin ng aking ama. Palibhasa'y ako'y hindi palalabas ng bahay, at kung lalabas ma'y may pasok sa kolehiyo o may pakay sa ibang lunan; kahit saan basta't hindi sa aming lugar. Dahil dito, hindi ko gaano kilala ang aming mga kapitbahay at lalo naman itong mag-inang ito na dalawang kanto pa ang layo mula sa amin.
Hindi ko alam ang pakiramdam ng mabuhay sa literal na dilim gabi-gabi, dahil ako ay ipinanganak sa liwanag: literal na liwanag. Ilang segundo bago magtanghaling tapat nang ako'y iluwal mula sa sinapupunan ng aking ina noong ika-6 ng Mayo labingwalong taon na ring nakalilipas. Ako'y panganay ng isang buo na pamilya. Masunurin, mabait, matalino, o kung minsan pa'y henyo ang turing sa akin ng iba na hindi ko naman iniintindi, pinaniniwalaan, o iniinda. Marahil kung mas kilala nila ako ay hindi nila masasabi iyon.
Hindi nila ako kilala ng lubos ng marami nguni't mas lalo namang hindi ko kilala ang mag-inang nasa tapat ng poste ng kanilang kapitbahay. Nakaupo sila sa semento't grabang hagdan kung saan lumalapat ang kanilang luntiang gate, nagbabasa sa ilalim ng malamlam na dilaw na ilaw ng poste. Sa sandaling sumulyap ako sa kanilang mga mukha'y nakita ko ang kunot na noo ng nanay, ang mahigpit na hawak sa libro, ang matigas na pagpihit ng kaniyang hintuturo sa pahina ng aklat na kaniyang hawak, at ang asim sa mukha ng batang humahagulgol at nagmamakaawang, "Ayoko na..."
Hindi ko man sila kilala'y sa sandaling iyon ay naintindihan ko sila. Naintindihan ko kung bakit galit na galit ang nanay. Naintindihan ko kung bakit pasigaw siyang nagtuturo ng English sa kanyang anak. Naintindihan ko ang dahilan sa likod ng bawat hagulgol at bawat luhang umagos sa mata ng bata, Naintindihan ko sapagkat dumaan din ako rito.
Noong bata ako'y pinagagalitan din ako ni mama. Lumuluha din ako sa harap ng kaniyang flashcards at multiplication table na kailangan kong masagutan sa loob ng wala pang isang segundo. Kailangang napakabilis, palibhasa'y ako'y isang panlaban sa palahok na pinamamahalaan ng Mathematics Teachers Association of the Philippines o MTAP. Sumigaw din ako ng "Ayoko na", at sinagot din ako ni mama ng "Hindi!" Natawag din akong "tanga" habang nagngingittngit sa inis si mama.
Nguni't hindi palaging ganito sa amin. Hindi ko lamang alam sa magnanay na ito, pero ang sa amin ay ganito lamang ang eksena tuwing galit na galit si mama. Pero sa loob na loob niya'y hindi naman talaga ako "tanga", dahil naniniwala pa siyang kaya ko. Naniniwala siya dahil nasa akin ang kaniyang pangarap.
Marahil dito nga kami nagkaiba ng batang humahagulgol: hindi ako sumuko at hindi rin ako sinukuan ng aking ina. Sabihin na natin na hindi kami sumuko dahil halos taon-tao'y umaabot naman ako sa Sectoral Division, nananalo sa iba pang mga palahok at patuloy na "honor student." Pero kahit anong sabihin ay hindi pa rin kami sumuko. May mga nakita at kilalang tao na hindi naman uliran ang katayuan noong mga bata sila ngunit ngayo'y makikita ang kanilang pagsusumikap. Marahil kung sinukuan sila ng kanilang mga ina ay hindi sila nakatungtong ngayon sa the University of the Philippines Diliman (UP Diliman).
May mga kamag-anak akong nabalitaan kong hindi na kumuha ng entrance exam sa Philippine Science High School (Pisay) o sa UP Diliman dahil daw alam na nilang hindi papasa. Sobrang nakakadismaya. Eh ano kung magsayang ng isang araw? Eh ano kung sumubok? Eh ano kung bumagsak? Sa tingin ba nila'y "ok lang" ang ganoon? Ang nakita ko lang sa kanila ay hindi na sila nangangarap ng mataas. Gaano man kalaki ang possibilidad, kapag hindi sumubok ay nawawala lahat. Kung bubong ang pangarap, sa lupa ang lagpak. Kung langit ang pangarap, sa bubong babagsak.
Nalulungkot ako tuwing nakikita ko ang libu-libong mga anak ng liwanag na hindi na nagsusumikap sa buhay at pag-aaral. Hindi dahil may ilaw na sa ating tahanan ay hindi na tayo dapat mangarap. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang mga magulang na pinag-uusapan ang anak nila na "bobo", "tanga", at "mahina ang ulo" na tila ba wala nang pag-asa. Hindi dahil walang ilaw sa inyong tahanan ay hindi na dapat kayo mangarap.
Mangarap ka, batang humahagulgol, dahil nasa'yo rin ang katuparan ng pangarap ng iyong ina.

Subscribe to:
Posts (Atom)