Isa na namang makulimlim na hapon ng pagtitinda ng sampaguita ang sumalubong kay Bo. Pero sa totoo lang, hindi naman iyon ganun ka importante dahil umaraw man o umulan, kuripot pa rin ang mga pasahero sa SM Fairview. Ang pinagkaiba lang ay kung maliligo ba siya sa nagbabadyang ulan o sa pawis niya habang makailang ulit na iniilingan nang hindi man lang sinusulyapan.
Pagkakita pa lamang sa papalapit na yagit niyang suot at sa mga tali ng puting halimuyak sa kanan niyang kamay ay lumalayo na ng tingin ang iba. Ang pag-iwas tingin na ito ay sinasamantala ng iba niyang kakilala para buksan ang zipper ng bag at makanakaw ng gamit, o di naman kaya’y makanakaw tingin man lang lalo na kung babaeng maganda.
Kaya gayon na lamang ang pagkamuhi ni Bo sa mga kapwa niya sampaguita boys na nakadudungis ng kanilang karangalan – o atlis, ng kanyang karalangan, dahil malinaw na hindi lahat ay kagaya niyang mayroon pang dangal. Sa buhay kalsada kabobohang turing ang karangalan, dahil dito, hari ang diskarte at reyna ang para-paraan.
Pero hindi na iniinda ni Bo ang pagtawag sa kanya ng bobo ng kaniyang mga kaibigan, dahil hindi lang ang kanyang mga kaklase ang gumagawa nito, ni ang nanay ng kanilang kapitbahay, kundi mismong nanay na niya ang nagsasabi sa kanya na siya ay isang ‘bobo.’ At hindi lang bobo, kundi ‘bobo talaga.’
Ngunit si Bo ay hindi lubos na naniniwala rito, dahil may dalawang taon na rin ang nakalipas nang may nagsabi sa kaniya na siya raw ay ‘matalino.’ Nasagot niya kasi nang tanungin siya ng isang balyenang kanyang binebentahan, “anong scientific name niyan?” Ang balyenang ito ay yung tipo ng babae na tagilid pa kung umupo sa jeep na wari’y lata na ng sardinas, hindi nag-aabot ng bayad, at maraming komento at sermon sa lahat ng nagaganap sa kalsada. Dapat raw kasi ang mga bata raw ay nasa eskwelahan at nag-aaral, at hindi nanlilimos at pinababayaan ng magulang, at kung ano-ano pang masakit sa loob ang sinabi ng matandang matabang balyenang iyon.
“Jasminum sambac po,” ang sagot ni Bo sa napahiyang balyena, sabay pahabol pa ng “Dalawahin niyo na po.” At nasabihan nga siya ng “Ang talino nito ah,” ng magandang dalagang nursing student na kasunod sa pila ng balyenang namumula na sa hiya. At mula noon ay hindi na naniwala si Bo na siya ay isang ganap na bobo, kundi kalahating bobo lamang.
Nasaktan ng husto si Bo sa sinabi ng balyena, dahil nagtitinda nga siya ng sampaguita imbis na nanlilimos, at pinapakain naman siya ng kanyang nanay araw-araw. At lalo naman na araw-araw siyang pumapasok sa eskwela tuwing a las sais ng umaga para makita ang crush niyang si Kathryn Mendoza. Yun nga lang, section 1 kasi itong si Kathryn at siya naman ay section 2. Kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap ni Bo, hindi lang sa pagtitinda ng sampaguita upang mabuhay, kundi pati na rin sa pag-aaral upang mabuhay ng masaya. Ano nga ba naman ang malay niya kung ang buhay pala niya ay pang kalyeserye o telenovela?
Kaya ganoon na lamang din ang hiya niya sa sarili nang naturang hapong iyon.
Walang malay niyang itinuloy ang kanyang pang-araw-araw na diskarte: suot ang kanyang kaawa-awang yagit na damit, dahan-dahan siyang nakayapak na lalapit at titig sa mata ng mga mukhang maawain, na kalimitan nga’y mga babae. Makatapos tumanggap ng siyamnapu’t siyam na iling bago makapagtinda ng isang tali ay nalapitan niya ang balyenang ito.
Hindi niya alam; paano nga ba niya malalaman? Hindi nga ata talaga maiiwasan; mangyayari’t mangyayari din. Marahil mas nakakagulat na makalipas ang ilang taon ay noong hapon lang na iyon nangyari ang kanilang pagtatagpo.
Hinding-hindi niya malilimutan ang mukhang iyon, ang mukhang minsa’y nagpakulo sa marangal niyang dugo. Hindi niya malilimutan ang tangos ng ilong at tabas ng labi ng balyenang ito, na minsa’y nang-insulto sa puso niyang may nais pang patunayan sa sarili, kahit na noon ay unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa sa bawat-araw ng pagtitinda na hindi naman lumalaki ang kita.
Nang makita niya ang balyenang iyon ay agad niyang nilapitan para bentahan at, aba! Inulit pa niya.
“Bili na po kayo, Jasmin sambac po. Dalawahin niyo na po.”
Binanggit ni Bo ang huling pangungusap ng dahan-dahan. At bumakas nga sa mukha ng balyenang ito, sa kanyang mapungay na kilay, mga matang nanlalaki, at sa pamumula ng likod ng kaniyang tenga, na bumabalik sa kanya ang alaala ng kahihiyan ng dalawang taong nakalilpas.
Ngunit bago pa man nakapagsalita ang balyena ay nalingat ni Bo ang batang babaeng kasama nito, na walang iba kundi ang pambansang crush ng bayan ng kanilang eskwelahan na si Kathryn Mendoza.
At nagtagpo ang kanilang mata.
Sa lahat ng panaginip ni Bo sa gabi at pangarap sa umaga ay ni minsan hindi niya hiniling na ganito ang kanilang unang pagkikita: na nagtitinda siya ng sampaguita sa yagit niya at kaawa-awang damit, habang pinapahiya niya ang nanay ng babaeng kanyang nagugustuhan.
Tumigil ang mundo ng dalawa’t kalahating segundo, habang nagkatitigan ang tatlo. Ang balyena kay Bo, sa naungkat na kahihiyan; si Bo kay Kathryn, sa mga nasirang pangarap; at si Kathryn kay Bo, sa kawalang malay at kawalang-paki. Umasa si Bo na sana’y naroon din sa likod ang mabait na nursing student noon, ngunit walang sumabat sa tahimik na pag-uusap ng tatlong pares ng mga mata.
Umihip ang malamig na hangin dala ang simoy ng nagbabadyang ulan at hinudyat ang muling pagtakbo ng oras.
Si Bo na kalahating bobo ang unang kumilos: yumuko, lumapit, at binigyan niya ng isang tali ng sampaguita itong si Kathryn sabay takbo palayo, habang nagbaka-sakaling hindi siya makilala at hindi maalala nito ang ilang segundo ng kanilang kahiya-hiyang pagtatagpo.
Sa bawat padyak ng kanyang mga paa, dahan-dahang lumalakas at lumalaki ang patak ng ulan. Hinayaan ni Bo na tumilamsik sa kanyang paa at bumuhos sa kanyang katawan ang naiipong iyak ng langit sa lupa, sa baka-sakaling mahugasan ang kanyang yagit na damit mula sa halimuyak ng kanyang dala-dalang mga sampaguita.
Showing posts with label Filipino Prose. Show all posts

Friday, October 16, 2015
Saturday, December 20, 2014
Pesteng Karoling
“Patawad, sa 24 na lang.”
Yan ang sinasabi namin sa lahat ng nangangaroling. Hindi lang naman siguro kami ang mga taong sawa na sa mga batang pumupukpok lang ng tambourine at walang kagana-ganang kumanta kung mangaroling. Karoling ang tawag, pero sa katunayan ay panlilimos lang din nang may hawak na tambol at dagdag na kapal ng mukha.
Sabihin mo nang wala akong awa, pero hindi ako uto-uto. Alam naman natin na sindikato lahat sila, maliit man o malaki. Pag nagbigay ka ng isa, sunod-sunod na yan; gabi-gabi kang kakantahan ng “Pasko na Naman” at “Sa’ming Bahay,” at aabusuhin ng paulit-ulit ng kanilang mga kasama hanggang sa marindi ka at maubos hindi lang ang iyong barya kundi pati ang iyong pasensya at kabutihang-loob. ‘Di mo ba sila nakita dun sa kanto? Tingnan mo dun, nagtuturuan kung anong kulay ng bubong at pader o kung saang parol nakasabit ang bahay na nagbibigay. Mabuti pa nga kung kumakanta; minsan ay pumupukpok na lang ng lata at nagsasalita na lang, masabi lang na may kanta. Minsan kakatok lang, “namamasko po!”
Oo, hindi ako namimigay ng limos. Bakit ako mamimigay? Hindi kaya madaling kumita ng pera; tapos, hihingiin lang nila? Hindi kakain ang hindi nagtatrabaho. Pati nga DSWD sinasabi nang wag mamigay ng limos. Aminin mo na, peste ang mga yan.
Nagtataka nga ako bakit ako pa ang kailangang humingi ng tawad. Bakit ba kailangang sabihing “patawad?” Karapatan ba nilang bigyan ko sila ng pera? Nanghihingi lang sila; nasa sa akin na kung gusto kong magbigay. Pero sila pa itong may ganang magsungit at magmura at magsisigaw ng “barat!”
Ako ang mamimili kung sino ang karapat-dapat bigyan. Yung magaling kumanta, kuhang-kuha ang “espiritu ng pasko.” Yung maayos manamit, siguradong hindi nanlilimos. Yung may gitara pa, effort talaga! Basta wag yung gusgusin, sindikato yan. Kung saan-saan lang naman nila ginagastos yung pera: pangmall, lakwatsa, landi. Hindi naman nag-aaral ng mabuti.
Pero minsan naiisip ko, wala rin naman kaming pinagkaiba. Minsan hindi rin naman ako nag-aaral ng mabuti. Nagfafacebook, twitter, DotA, LoL, manonood ng animé, o kung anong BBC series, kain dito, movie doon; ginagamit ko din naman ang pera ko para magpakasaya. Siguro ang pinagkaiba lang, nabiyayaan lang ng kaunting ginhawa. Siguro naman kahit mahirap sila may karapatan pa rin silang magpakasaya, di ba? Kahit mall lang o lakwatsa, hindi naman siguro masama?
Kung effort ang pag-uusapan, magkasinghirap lang din siguro ang pagtatrabaho at panlilimos. Kahit gaano kakapal ang mukha mo, hindi rin naman madaling tapakan ang iyong dignidad at paghinalaan na magnanakaw o tamad ng bawat pares ng mata na makasalubong mo. Hindi madaling magbilad sa init ng araw at sumabit sa jeep na gusto kang ihulog, at maglakad ng nakayapak habang isa sa limang daang tao lang ang magbibigay sa’yo ng piso. Sa mga pesteng gustong mabuhay na parang hari ng kalsada siguro wala na akong magagawa, pero sa mga batang may pangarap pa, baka makatulong ang kaunting barya.
Wala rin naman akong pinagkaiba, dahil sa totoo lang, peste din ako. Hari ng sarili kong kalsada, abusado sa nag-iisang bahay na namimigay ng limos. Pero kahit na hindi ako magaling kumanta, o maayos manamit, at kahit na walang gitara, minsan isang pasko may pumili na bigyan ako ng isang regalong higit sa lahat ng baryang maiipon ng mundo. Minsan isang pasko pinatawad din ako. Kaya’t kung mangangaroling ka samin, kung pwede sana, ito rin ang ibibigay ko. Kaya kung pwede sana, wag mong hanapin ang barya. Ngayon, patawad muna. Balik ka na lang sa 24. Sana maalala mo pa.

Friday, September 5, 2014
Mga Mabuting Asal sa Loob ng Jeep
I haven't been sarcastic for quite a while now. Let's give it another try.
--------------------------------------------------------------------------------
1. Mag-emo
Umupo ng tabingi at magmuni-muni habang nakatingin sa labas ng bintana kahit sikip na sikip na si madam na katabi lang nung nasa likod mo. Iladlad mo pa ang iyong mahabang buhok at hayaang imudmod ng hangin sa mukha ng nasa likod mong guy. Pretty ka naman eh.
2. I-extend ang kamay habang nag-eemo
Mas komportable nga namang sumandal sa braso mong nakakairita.
3. Ibuka ang mga paa
at itago ang nakabukang paa gamit ng malaki mong bag. Totoo, walang nakakita niyan. Yuko ka lang at magkunwaring tulog dahil baka makita mo ang nanlilisik na mata ni manong na di makaupo ng maayos sa may gawing kaliwa mo.
4. Sumandal sa katabi
Sino nga ba namang makakaalam kung naghahanap ng love life yan? Malay mo maging kayo. Kung hindi man, at least nakatulog ka. O nakapag-emo. At kung desperado ka na talaga, i-try mo kay #2. Bagay kayo, pramis.
5. Magharutan
dahil tunay nga naman ang inyong pagmamahalan. Mukhang pati yung isang kuyang katabi mo minamahal ka na rin.
6. Magdaldalan sa likod ng drayber
At wag sabihin na may bababa na. Lalo na kung matandang walang kasama na galing sa SM na may dalang limang mabigat na dilaw na plastic ng grocery para sa mga anak niya. Paki ba nila? Ang importante masaya kayong magkakaibigan! At dahil nasa likod ka na lang rin kayo ng drayber, gawin mo na rin ang #7.
7. Wag mag-abot ng bayad
At magsuot ng earphones kunwari di naririnig si ateng ngawit na ngawit na ang kaliwang kamay at kanang balakang. Pwede ring magtulog-tulugan kung wala kang earphones. Basta kahit anong mangyari, wag kang lilingon at wag na wag mong hahawakan ang perang galing sa iba. Kadiri kaya yan! Andumi-dumi! Eww! Yuuuck!
8. Magcomment sa lahat ng masamang nangyayari sa kalsada
Dahil kulang pa sa BV ang mundo at kailangan mo pang dagdagan. O baka dahil parang Gilas vs Croatia nga naman kung panoorin ang mga katangahan. Exciting!
9. Pagalitan ang drayber
Dahil mas magaling ka sa kaniya. Dapat magsigawan habang nagtatalo. Mabuting gawin ‘to kapag nasa pinakalikod ka ng jeep kung saan maingay ang tambutso at hindi mo marinig ng maayos ang drayber dahil wala ka naman talagang planong makinig. Hanap ka ng #8 para meron kang katandem. At least, nababawasan ang mga nagtutulog-tulugan, lalo na’t yung mga tulog na talaga. Dapat alisto sila, para makaiwas sa mga gumagawa ng #10.
10. Magnakaw
Dahil kailangan mo ng pera at ang katabi mo ay hindi. Mukha naman siyang mayaman di ba? Ok lang siguro yan. O kung nacucute-an ka, i-add mo na lang siya sa Facebook at sabihing nakita mo ang naiwan niyang wallet. Pogi points!
Isa lang naman ang pinatutunguhan ng sampung asal na ito: alalahanin lagi ang sarili. Binayaran mo naman yang upo mo, kaya’t sulitin mo na, di ba? Hayaan mong magdusa ang iba. Wala ka nang paki sa kanila dahil hindi sila madiskarte gaya mo.
May mga nakakairitang drayber din naman siempre. Next time na lang yun.

Sunday, October 27, 2013
Sa Lata ng Sardinas
Unang araw ng klase at ayoko pa naman sanang mahuli. Umalis ako ng 6:00 AM para sa 8:00 AM na klase ko. Maraming tricycle palabas ng aming village at hindi trapik papunta sa sakayan ng jeep o FX. At dahil ubod ng haba ang pila sa FX, minabuti ko na lamang sumakay ng jeep. Pero sana pala hindi na lang.
Parang lata ng sardinas na gumugulong sa Commonwealth Avenue ang jeep na nasakyan ko. Itodo man ng drayber ang bulusok ng makina hanggang malagong ulap-ulan na ang hithitin ng tambutso eh makikita sa labas na tila umaatras pa rin ang sasakyan sa sobrang kabagalan. Pinatungan pa ng mabigat na trapik sa ginagawang kalsada at wisikan pa ng ulan ay siguradong nabuo ang araw ko.
Ngunit may balyena pa sa lata ng sardinas. Isang babaeng may kaunting edad na at may matabang katawan, lalo na ang hita, ang aking katabi. Kung umupo ay laging tagilid at walang ginawa kundi tumingin sa labas. Hindi nag-aabot ng bayad; hindi umaayos ng upo; wala! Walang paki, walang reaction.
Ang balyenang ito ang pangunahing dahilan ng pagdurusa ko sa tila habambuhay na paglalakbay ko sa lata ng sardinas. Ang tuhod ng balyenang ito ay walang ikinaiba sa kutsilyong nakabaon sa aking hita. Ilang beses na akong umaayos ng upo para man lang mapansin niya na nahihirapan ako, ngunit hindi pa rin kumikibo ang balyena. Hindi ko mawari kung sadyang nakadilat ang balyena kapag natutulog, hindi marunong makiramdam, o manhid lang talaga ito.
Hinayaan ko na lang. Sadyang may mga taong makasarili at ang magagawa ko ay hindi maging isa sa kanila. Sapagkat sa huli, sardinas man o balyena, iisang lata lamang naman ang aming ginugulungan.

Wednesday, October 16, 2013
Pangarap sa Dilim
Isang malamig na gabi habang naglalakad pauwi sa aming lugar nang masilayan ko ang magnanay: isang batang mapayat na mga apat o limang taong gulang at isang nanay din na kung titingnan ay kasinpayat lamang din ng kaniyang anak. Nahiya na akong pagmasdan pa sila sa ilalim ng dilaw na ilaw ng poste ng kanilang katapat na kapitbahay.
Wala silang ilaw. Hindi ko ito agad napansin ni napag-isipan lamang; nalaman ko lang ito nang sabihin sa akin ng aking ama. Palibhasa'y ako'y hindi palalabas ng bahay, at kung lalabas ma'y may pasok sa kolehiyo o may pakay sa ibang lunan; kahit saan basta't hindi sa aming lugar. Dahil dito, hindi ko gaano kilala ang aming mga kapitbahay at lalo naman itong mag-inang ito na dalawang kanto pa ang layo mula sa amin.
Hindi ko alam ang pakiramdam ng mabuhay sa literal na dilim gabi-gabi, dahil ako ay ipinanganak sa liwanag: literal na liwanag. Ilang segundo bago magtanghaling tapat nang ako'y iluwal mula sa sinapupunan ng aking ina noong ika-6 ng Mayo labingwalong taon na ring nakalilipas. Ako'y panganay ng isang buo na pamilya. Masunurin, mabait, matalino, o kung minsan pa'y henyo ang turing sa akin ng iba na hindi ko naman iniintindi, pinaniniwalaan, o iniinda. Marahil kung mas kilala nila ako ay hindi nila masasabi iyon.
Hindi nila ako kilala ng lubos ng marami nguni't mas lalo namang hindi ko kilala ang mag-inang nasa tapat ng poste ng kanilang kapitbahay. Nakaupo sila sa semento't grabang hagdan kung saan lumalapat ang kanilang luntiang gate, nagbabasa sa ilalim ng malamlam na dilaw na ilaw ng poste. Sa sandaling sumulyap ako sa kanilang mga mukha'y nakita ko ang kunot na noo ng nanay, ang mahigpit na hawak sa libro, ang matigas na pagpihit ng kaniyang hintuturo sa pahina ng aklat na kaniyang hawak, at ang asim sa mukha ng batang humahagulgol at nagmamakaawang, "Ayoko na..."
Hindi ko man sila kilala'y sa sandaling iyon ay naintindihan ko sila. Naintindihan ko kung bakit galit na galit ang nanay. Naintindihan ko kung bakit pasigaw siyang nagtuturo ng English sa kanyang anak. Naintindihan ko ang dahilan sa likod ng bawat hagulgol at bawat luhang umagos sa mata ng bata, Naintindihan ko sapagkat dumaan din ako rito.
Noong bata ako'y pinagagalitan din ako ni mama. Lumuluha din ako sa harap ng kaniyang flashcards at multiplication table na kailangan kong masagutan sa loob ng wala pang isang segundo. Kailangang napakabilis, palibhasa'y ako'y isang panlaban sa palahok na pinamamahalaan ng Mathematics Teachers Association of the Philippines o MTAP. Sumigaw din ako ng "Ayoko na", at sinagot din ako ni mama ng "Hindi!" Natawag din akong "tanga" habang nagngingittngit sa inis si mama.
Nguni't hindi palaging ganito sa amin. Hindi ko lamang alam sa magnanay na ito, pero ang sa amin ay ganito lamang ang eksena tuwing galit na galit si mama. Pero sa loob na loob niya'y hindi naman talaga ako "tanga", dahil naniniwala pa siyang kaya ko. Naniniwala siya dahil nasa akin ang kaniyang pangarap.
Marahil dito nga kami nagkaiba ng batang humahagulgol: hindi ako sumuko at hindi rin ako sinukuan ng aking ina. Sabihin na natin na hindi kami sumuko dahil halos taon-tao'y umaabot naman ako sa Sectoral Division, nananalo sa iba pang mga palahok at patuloy na "honor student." Pero kahit anong sabihin ay hindi pa rin kami sumuko. May mga nakita at kilalang tao na hindi naman uliran ang katayuan noong mga bata sila ngunit ngayo'y makikita ang kanilang pagsusumikap. Marahil kung sinukuan sila ng kanilang mga ina ay hindi sila nakatungtong ngayon sa the University of the Philippines Diliman (UP Diliman).
May mga kamag-anak akong nabalitaan kong hindi na kumuha ng entrance exam sa Philippine Science High School (Pisay) o sa UP Diliman dahil daw alam na nilang hindi papasa. Sobrang nakakadismaya. Eh ano kung magsayang ng isang araw? Eh ano kung sumubok? Eh ano kung bumagsak? Sa tingin ba nila'y "ok lang" ang ganoon? Ang nakita ko lang sa kanila ay hindi na sila nangangarap ng mataas. Gaano man kalaki ang possibilidad, kapag hindi sumubok ay nawawala lahat. Kung bubong ang pangarap, sa lupa ang lagpak. Kung langit ang pangarap, sa bubong babagsak.
Nalulungkot ako tuwing nakikita ko ang libu-libong mga anak ng liwanag na hindi na nagsusumikap sa buhay at pag-aaral. Hindi dahil may ilaw na sa ating tahanan ay hindi na tayo dapat mangarap. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang mga magulang na pinag-uusapan ang anak nila na "bobo", "tanga", at "mahina ang ulo" na tila ba wala nang pag-asa. Hindi dahil walang ilaw sa inyong tahanan ay hindi na dapat kayo mangarap.
Mangarap ka, batang humahagulgol, dahil nasa'yo rin ang katuparan ng pangarap ng iyong ina.

Subscribe to:
Posts (Atom)